Ngayon, sa yugto ng ating buhay....lalong lalo na sa ating mga estudyante, usong uso ang salitang
"TANGA" or in english "stupid,fool". lalong lalo na sa subject na pag-ibig. Kung ang salitag pag-ibig
or love ay isa sa mga subject sa eskwelahan, sigurado..100%..halos lahat ng estudyante ay nakakuha ng
na 75 and below. siguro yung iba nakakakuha ng 80 na grade pero walang nakakakuha ng grade na 90 and
above. Masakit mag aminin pero yon ng totoo. Hindi ito katulad ng mga academic subjects natin na pwedeng
aralin o imemorize o isolve. Hindi mo rin ito maitutulad sa isang quiz na pwede ka munang magreview bago
kumuha. bakit ko nasabi ang mga ito?. kasi ganito yan, ang love ay parang isang kabute na bigla nalang
sumulpot sa gilid ng kahoy na pintuan ng C.R. nyo.(may kabute sa C.R. namen....haha). hindi mo inaasahan
na sa dinamidaming lugar na pwede nitong tubuan e sa pinto pa ng C.R. nyo. Hindi mo inaasahan na sa taong
iyon ka pa ma iinlove. sa taong hindi mo akalain na mamahalin mo ng todo.
may iba't ibang klase at klasipikasyon ng pag-ibig. magbibigay ako ng mga ilang klasipikasyon ng pag-ibig.
ang mga sumusunod ay: one-sided, full, reversible, at insane. isa isahin natin. una ay ang one-sided....isa ito sa mga
may pinaka maraming kaso ng pag-ibig ngayon....kung baga.....isa lang ang nagmamahal. in short, sila ang mga nagpapa
katanga.(sorry sa mga tatamaan....wala akong intension sa inyo). mhal nila ang isang tao pero hindi maibalik ng taong
iyon ag pagmamahal nila dahil sa iba't ibang dahilan. umaasa sila na balang araw ay magiging sila ng kanyang minamahal.
pero hanga din ako sa mga taong ganito dahil ang mga taong inlove na bumabagsak dito ay matatag. tunay silang magmahal
hindi sila basta basta sumusuko .....kahit hanggang drawing book nalang ang pangarap nila. sana mejo batukan na sila ni
San Pedro para medyo matauhan.
ang sunod naman ay ang full......hidi ko na naman ito kailangan ipaliwanag diba?...mahal na mahal nila ang isa't isa.
kaso dito naman dumadating ang mga drama katulad ng "AGAINST ALL OODS" at "I'D RATHER"...eto yung mga couples na sobrang
mahal nila ang isa't isa na sa sobrang mahal ay nauuwi sa isang malaking katangahan(alam nyo na ang ibig kong sabihin).
Andito yung sitwasyon na "parents vs. boyfriend" at "parents vs. Child". andito din yung SO. ang masasabi ko lang, sa
estadong ito, kailangan mong maglagay ng boundery line....kailangan mo ng self control at discipline...u should know your
bounderies.....para hindi yo magawa ang malaking katangahan sa buhay mo at niya.
ang ikatlo naman ay ang mga ireversible....sila ang mga problema ng mga one-sided....ang mga taong ito ay pwedeng sabihin
na undefined...bakit?.....Hay nako!!!....ginagawa nilang tanga ang mga nagmamahal sa kanila...hindi mo mlaman kung mahal kaba
niya o hindi....kung pinapa-asa ba nila o may pag-asa pa ang minamahal nila.....magugulo ang utak ng mga ito....sila ang "switch"
on and off......dito rin bumabagsak ang mga takot nag magmahal o kaya hindi pa talagang alam kug mahal ba nila ang isang tao o hindi...
masasabi ko lang sa knila.....sana maging okay na utak nyo....
(to be continued)