Tuesday, February 16

i dont have the courage

hayz... malapit na mgtapos ang school year 2010... umuoti narin ang panahon ko para ayusin ang dapat ayusin. hindi ko narin alam ang gagawin ko. kung lalapitan ko ba siya o hindi. Ayon sa iba, ayaw na niya akong maka-usap. Alam kong naiilang siya sa akin dahil sa nakaraan pero lumipas na ang isang taon. Hindi pa rin ba siya nakakamove-on?

Alam kong pinatawad na ako ng Diyos sa mga nagawa ko sa nakaraan. Alam ko na iyon. Pero sa sarili niya ba ay napatawad na niya ako?

Hindi ko malaman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit di niya ako kinakausap. Laging "siguro" ang unang salita na binibitiwan ko kung bakit ganoon.


Na-realize ko na hindi pala dapat "pwede pa ba nating ibalik ang dati?" dahil sadyang hindi na talaga maibabalik ang dati. Kaya ngayon at dati ko pang gustong sabihin na " pwede ba tayong magsimula muli?"


Ngunit patapos na ang taon.... hindi ko na alam ang gagawin ko.


maybe its too late to say this....


and i don't have the enough courage to speak with you..

i know that your still hesitant to me....



but i only want to say that


"Can we start over again with a new friendship and forget everything about the past?"

No comments:

Post a Comment

Mga NAKI-USYOSO :D