Sa labing lima o apat na taon kong pamumuhay dito sa mundong ito, marami na akong nadaan at nasaksihan. Dahil pagibig ang paguusapan natinm ngayon, dumako tayo sa usapang pag ibig. Sa ika-9 na taon ko dito sa ccc, daang daan love stories na karaniwan ay heart breaking love stories ang narinig, nasulusyunan at kinakiligan ko na. Ang iba naman ay nakakabaliw at nakaka-ewan ang kwento nila dahil sila mismo ang naliligaw ang landas at hindi ang minamahal nila. Ngunit hindi ko rin akalain na mangyayari sa akin ang isa sa mga kwento at karanasan na narinig ko na. At binaliktad nito ang mundo kong nananahimik. Para masaya ikwekwento ko na ito ngunit pagpasensyahan nyo nalang ako kung gagamit ako ng mga malalalim na representasyon sa bawat tauhan ng kwento para maproteksyonan ko narin ang mga taong kasangkot dito, kasama na ako. At hinhkayat ko na rin na ilagay nyo nlng ang sarili nyo , ang taong mahal niyo at ang taong mahal niyo na hindi naman kayo mahal sa mga tauhan na sila meralco, konsumer ng meralco at ang bumbilyang maarte.
Minsan, maikukumpara mo ang ugali o nararamdaman ng isang tao sa switch o sindihan ng bumbilya. Bakit ko nasabi ito?. May napagtanto kasi ako sa sarili ko. At ngayon ay sisismulan ko na ang kwento. Magkwekwento na si Lola basyang.
May konsumer si meralco sa malayo. Mahgit isang taon narin ang nakalipas nang huli silang nagmeeting. Ngayon putol ang kableng nagdudugtong sa kanila o in short naputulan ang konsumer. Hindi lam ng meralco kung ano ang nangyayari sa konsumer nito. Kung lumipat na ba ito sa iba o kung loyal parin ba ito sa kanya. Para siyang switch. Pagnagkakausap sila ng konsumer ay nakakaramdam ito ng masidhing kasiyahan kaso noon yon. Ngayon. Wala na. Susulpot, mawawala. Inaamin nito na parang nawawala na ang spark sa pagitan ng dalawang ito. Hindi pala parang, kundi oo na talga. At dahil nga dito, ang spark ay na-detour sa isang bumbilya kaso ayaw magpasindi. AYAW MAGPASINDI!!! MAARTE!.gusto mo bang malaman kung ang bumbilyang ito ay isang tao o supernatural o kaya naman ay idomatic expression lng ng mahiwaga kong nagsususlat na kamay?. Kung oo ang sagot mo, isa kang chikador/dora. Aminin. Isa siyang supernatural. Supernatural dahil hindi angkop ang karakteristiks niya bilang tao. Half-half pwede.
Lumipat ang kuryente. Tumatakbo ang metro. Nagmamahal ang distribution charge. Ngunt sa kabila ng lahat ayaw paring magpasindi ng bumbilyang maarte dahil hindi siya fan ng meralco. Ewan ng meralco kung sino ang minamahal niyang kontributor. Hindi naman hinihiling ng meralco na sapilitang sumindi ng bumbilyang ito para lang sa espesyal na wire na ngdudugtong sa kanila. Kumbaga “for the sake of freindship lang”. Ang hiniling lang naman ng meralco ay hayaan itong magbigay ng spark sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, wala ring patutunguhan ang lahat dahil may sinusuplayang ding kunsumer ang meralco at ang bumbilyang maarte ay hindi fan nito at may ibang minamahal na Kontributor. May obligation at responsibilidad ang dalwang ito na magbigay ng spark at lumiwanag sa pamamamagitan ng spark na ibinibigay ng kanikanilang kontrbutor at konsumer. Ngunit ang kunsumer na bumbilya ng meralco napupundi na. Paano na kaya?. Iiwanan kaya ng meralco ang bumbilyang maarte para buhayin muli ang mapupundi nang konsumer niya?. Patuloy pa rin kaya ang pag-ilag at pag- iinarte ng bumbilyang maarte?. Ano kaya ang magiging epekto ng pagbibigay spark ng meralco sa bumbilyang maarte sa espesyal na kable o wire na nagdudugtong sa kanila?. Mapuputol ba ito o hindi?. Abangan.
Sadyang hindi ko tinapos ang kwento dahil ang mga tanong na ito ay nagsisilbing mga mangyayari sa hinaharap. Sana ay napagana ko ang utak nyo ng medyo dahil sa mga idiomatic expressions na nailagay ko sa kwento. Happy Valentines....
Alay para sa mga nagmahal, minahal at binasted. Alay para sa mga wagi, sawi at nasa waiting list parin ng pag-ibig. ;]
hmmmm taga cainta ka pala...... 09192922106
ReplyDeletenice rai !
ReplyDeletekeep up the allegory.
lab it.