"I am convinced that our real lives are like films, where everything ends on a positive note. Happy endings. And if everything does not turn out well in the end, then that is not the end, there is more to the movie." -Om Shanti Om
Tuesday, December 8
"Anim na Talampakan Pababa sa Lupa"
Minsan sa buhay ng tao, humuhukay tayo ng sarili nating hukay. Gumagawa ka ng mga hakbang na sa una ay ipignagsisiksikan mo sa iyong sarili na hindi mo pagsisisihan. Na kaya nating harapin ang mga maaaring mangyari o epekto ng daang iyong tinahak.
Habang nasa kalagtnaan kna ng daan, bigla kang mapapahinto sandali. Mapapaisip. Magtatanong ka sa iyong sarili, "tama ba 'tong tinatahak ko?" . At sa bandang huli ng pag-iisip, "bahala na si batman" ang huling nabangit. Nagpatuloy ka parin at hanggang sa hindi mo na namalayan, nahulog ka na pala sa sarili mong hukay.
Sa ibaba ng hukay na iyong hinukay, unti-unti mo nang nararamdaman ang bigat at sakit ng mga lupa at batong tumatabon sa iyo. Ang lupa nasimisimbolo sa iyong mga pagsisisi at ang mga bato na sumisimbolo sa iyong mga kabiguan. Tumatabon. tumatabon. Nalibing kana ng buhay.
Sabi nga nila, sadyang bilog ang mundo. Hindi ka laging nasa ibaba, isang araw ay nasa ibabaw kana. Dahil sisikapin mong makaagpas sa itaas. Makaagpas sa mga sakit ng kahapon. Sa mga pagsisising hindi na mabubura pa. Mga sakit na dulot ng paglisan. Paglisan ng mga taong inaasahan mo na laging andiyan sa tabi mo. Gagawa ka ng paraan at lalaban upang malakalabas sa sarili mong hukay.
"Welcome back" sabi ng mundo na iyong iniwan panandali. Ngayon, sa pagbati sayo ng mundo, handa ka nang ayusin lahat. Itama ang mga pagkakamali. I mighty bond ang nasirang baso ng buhay kahit alam mong hindi na mawawala ang lamat nito. Ngunit, may kakaunting damdamin ka parin na tila sumusundot sa utak at puso mo. Parang gusto mong maibalik ang dati. Ang dati bago mo pa tahakn ang landas papunta sa hukay na iyong kinahulugan. Nag-uudyok sa iyo na banggitin ang mga salitang "maari pabang maibalik ang dati?".Sumumpa kana na kailangan mo nang magpatuloy sa landas ng buhay sa oras na maka-akyat kana sa hukay na iyon.
"Move on." nga ika ng ba. Madaling sabihin, mahirap gawin. Mahirap dahil ramdam mo parin ang presensya ng kahapon. Kumbaga, "Ang bawat sugat ay naghihilom ngunit nag-iiwan parin ito ng lamat". Pero sandyang ganito talaga ang buhay. Kailangan mong lumaban at magpakatatag para mabuhay. Kailangan mong ipakita na ayoa kana at ok kana para sa iba na humuhugot ng lakas ng loob sayo. lakas ng loob para mabuhay.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Sa panahong nagdaan ay pnilit mong maging matatag. Ngunit sa panahong ito, tanggap mo na ang lahat-lahat. Maluwag na sa loob mo ang mga katagang "Hindi na maibabalik ang dati". Dahil para sayo, bakit mo nga naman ibabalik ang dati kung pwede namang muli magsimula ng bago. Para sayo, normal na ang lahat ng nangyayari sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo. Masaya kanang lumilipad sa himpapawid ng kalayaan. Baon-baon mo ang aral ng anim na talampakan na hukay na ikaw mismo ang humukay. Ang aral na "Huwag kang gagawa ng sarili mong anim na talampakan pababa sa lupa".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Mga NAKI-USYOSO :D